Wednesday, April 10, 2013

kung ikaw si satanas/ if you were satan

kung ikaw si satanas, gagawin mo ang lahat wag lang makatanggap ang tao ng salita ng Dios. dahil nakakapag isip naman ang tao pero hindi nila alam ang totoo, bakit hindi mo nalang papaniwalain sa kasinungalingan? bakit hindi mo dagdagan o bawasan? dahil si Hesus naman ang dapat nilang makilala, bakit hindi mo nalang tanggalin mismo si Hesus? likas naman talagang sasamba ang tao at meron ka naman lahat ng yaman sa mundo, pasambahin mo nalang sa pera. Ipamukha mo kailangan nila 'to, 'yan, 'nun, hanggang mamatay sila kakatrabaho. likas namang sasamba ang tao, at palakasan lang naman ang politika, pasambahin mo nalang sa pinsan, lolo, o kahit kapitbahay niya, WAG LANG SI HESUS! basta wag lang nilang malamang tapos na ang plano ng Dios at pwede nang maligtas sa paniniwala lang. Hayaan mo silang gawing 5-6 ang kasalanan, dadagdagan, babawasan. Hayaan mo silang mamatay kakasakripisyo - kahit pa magpapako sa krus - basta importante lang, babalik parin sa kasalanan. dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, mamatay na silang lahat! wag mong ipaintinding libre ang kaligtasan, hayaan mo silang pagtrabahuhan iyon. bigyan mo ng maraming batas at pagnaibigay na ang lahat, isumbat mo kulang pa! alam mong malapit ng dumating si Hesus, gawin mo na ang lahat para mapunta ang tao sa impyerno. konti nalang ang oras mo, kilos na!

No comments:

Post a Comment