Nasa loob tayo ng lipunan na pwede ka ng magsabi ng kahit anong
gusto mo sa pamamagitan ng social media platform tulad ng Facebook. In fact,
mas naging outlet na nga ito kung saan mas nagiging totoo ang usapan kung
idadaan ito sa secondary source tulad ng Facebook status.
isa sa mga paraan ng communication ay ang written language o
yung mga ginagamitan ng simbolong katulad ng ABAKADA, depende sa bansang
ginagalawan nito. Ito sa mga kagandahan ng written communication ay pwede mo ng
ipahatid ang gustong sabihin ng hindi nakikita ng harapan ang taong kausap.
Ibig sabihin ay maaari mo ng gamitin ang mga tamang salita upang may
maintindihan ang taong kausap.
Ngunit sa pagdali ng pagsasabi ng nararamdaman sa pamamagitan
ng secondary source o sa Facebook status lang, nawawalan din ng bigat ang Ibig
sabihin nito. Halimbawa, gusto mong magpahiwatig ng pag aalala ngunit hindi ito
makakarating kung paanong gusto mo sana itong maihayag dahil iba ang
interpretation ng taong nagbasa nito.
kaya't maraming nagkakaroon ng miscommunication kung saan akala
ng kabilang panig ay ito ang gusto mong sabihin, pero iba naman ang context na
tinutukoy mo. Ang resulta, maraming bagay ang hindi nabibigyang linaw depende
sa kung sino ang kausap at kung ano ang pinag uusapan.
ang interaction na ito ay hindi seryoso sa pagitan ng dalawang
magkaibigang nag kakamustahan ng pakiramdam nila at magkikita rin kinabukasan.
Pero magiging seryosong bagay ito kung ang nag uusap ay OFW family at kailangan
mag paliwanag sa nagawang kasalanan. Maaaring iba ang interpretation ng
kabilang panig at masaktan pa ito sa context na hindi naman ito ang gusto mong
ipahatid.
mahalaga pag usapan ang mga bagay na ito upang makita kung
paanong nakaka apekto ang modernisation sa pamilyang pilipino na nakatatak sa
kultura ang pagiging malapit sa pamilya. Ang pag aaral na ito ay nag Lalayong
matukong kung ano ang pinagdadaanan ng OFW family upang mag cope up sa
communication bilang foundation ng relationship.
ang category ng communication ay ang Verbal, Written, at
Non-verbal. kung saan ang verbal ay 38%, nonverbal ay 57% at written ay 7% lang
na naiintindihan.
sa ratio na ito makikitang maliit ang percentage ng written
communication kaya Maaaring hindi talaga natin ito gusto sabihin. Sa totoo nga
ay Maaari tayo mabuhay sa sariling mundo kung saan tayo ang nagbibigay ng
meaning sa mga bagay na hindi naman tama ang context.
Halimbawa, maaaring ang anak ay nagsabi nalang ng “i love you”
para matigil na ang discussion sa magulang pero hindi naman talaga ito ang gustong
sabihin. Sadya nga lang na politically correct ang salitang ito. Kailangan din
nating I consider na pumipili ang tao depende sa mga choices na magiging
beneficial sa kanya, upang ma protektahan ang sarili at maging ang ibang tao.
Ngunit sa pagsabi ng mga bagay na hindi naman talaga natin
gusto, tayo nga ba ang kusang pumapasok sa sariling kulungan kung saan hindi na
tayo makapag salita at nawalan na ang rason ang dapat sanang two way
communication? importanteng maintindihan na sa pakikipag usap, hindi lang dapat
panig ng isa ang napapa kinggan o magiging monologue ito. Kung saan nag
tatanong ka ng tanong na ikaw rin ang sasagot.
ang puso ng communication ay synthesis o compromise, kung saan
ang panig ng dalawang magka salungat na opinion ay mag memeet sa gitna upang
mag agree sa bagay na accepted nila.
Ngunit paano makakamtan ang pag balik sa purpose ng
communication kung patuloy tayong magsasalita ng mga bagay na hindi naman
talaga natin ibig sabihin. Hindi ba't pag galang sa taong ka relasyon, maaaring
Magulang o romantic o friend, na mag sabi ng totoo upang magbuo pa rin sa
pundasyon ng tiwala at pagtanggap ang basehan ng pananatili? Masyado na nga ba
nating sinamba ang salitang “ok lang” para matapos na ang usapan o para buhayin
natin sa sarili ang salitang dapat na tuloy pangatawanan dahil ito na ang
gustong mapaniwalaan? Pero accurate nga bang nagdedefine sa atin ang salitang
ok lang, o naging entry point na naman ito para mapagpatuloy ang pagtatago na
hindi naman ok?
Sa kabilang banda, hindi sapat na batayan upang husgahan ang
hindi nagsasabi ng totoong nararamdaman. Bukod sa teorya ng komunikasyon, mas
kailangan nating tingnan ang psychological aspect kung sino ba ang nagtatanong.
Ang relationship ay binubuo ng pagkakaroon ng common ground sa bawat isa. At
ang common ground ay kailangang mahinog ng panahon. Ang Ibig kong sabihin ay
mas makaka pag open tayo sa taong kilala natin. kung hindi natin ito kilala,
mas mahirap maging totoo. At sa context ng OFW family, maaaring hindi na natin
kilala ang pamilya natin ay sa pag lipas ng panahon, dumadaan tayo sa
Psycho-Social at Cognitive development na nahahati sa toddler, preschool, kids,
teens, young adult, adult stage. at ang agents of socialization ay ang mga
taong nakaka salamuha natin na nagiging influences para makilala ang sarili.
kaya't maaaring mas kilala pa natin ang ibang taong mas madalas
nating kasama kumpara sa family natin. Hindi naman pwedeng sabihing magkulong
na lang sa family upang mas makilala sila dahil ang Quantity ba ng time ay mag
compensate ng Quality ng time na dapat makuha? Paano kung may barrier at ayaw
mag pa kilala ng isa sa mga panig.
kaya't bat socially accepted na lang ang mag tago sa family
dahil mas open sa friends? Sapat na dahilan na bang nangyayari ito sa ibang pamilya
at kinakaya nilang wala ng communication at dapat kayanin mo rin? Mag aapply ba
sayo ang parameter nila? paano ang pagiging “unique” ng bawat isa at ang hindi
mapipigilang pagbabago?
Sa agents of socialization, may maibibigay ang bawat agent na
dito lang matatagpuan. Halimbawa ang family ay dapat source ng values at
acceptance at ang kaibigan ay shared values. Sa shared values, ibig sabihin ang
hindi pwede sa loob ng family ay pwedeng gawin sa loob ng lipunan ng mga
kaibigan. kaya mas nagiging close tayo because we share the same world, isang
socially constructed na lipunan kung saan na sa inyo ang parameter ng pwedeng
gawin at bawal na gawin.
Ngunit ang pamilya parin ang tanging agent na mananatili kapag
nawala na ang friends, school, church, government, at nation. Kaya nga’t family
ang pinaka foundation ng lipunan.
Ang kakayahang gawin ang bagay ng mag isa ay tinatawag na
individualism. At sa modern society kung saan mas malaya tayong gumalaw, mag
salita, at mag isip mag-isa, tumataas din ang rate ng suicide. Dahil hindi na
tayo bound sa ibang tao at kaya na nating gawin gusto natin. Ang pagkawala ng
purpose ng buhay ay tinatawag na Altruistic suicide na sinulat ni Emile
Durkheim noong post world war 2. Magpapakamatay ang tao kung hindi na niya
nakikita ang dahilan kung para kanino siya nabubuhay.
Sa hindi pag sasabi ng totoo sa loob ng pamilya, pinapatay
natin ang sarili dahil hindi na sila ang mga taong dapat sana’y una sanang nagbibigay
ng acceptance at nagbibigay ng purpose sa pamamagitan ng pag sunod sa iisang
values.
Kung iaapply natin ang pagrespeto sa pagkakaiba, ang values na
isang pamilya ay hindi nakakahigit sa value ng iba. At isa rin sa dahilan ng
pagkasira ng communication ng family ay dahil hindi na iisa ang mga bagay na
pinahahalagahan natin.
kaya't upang makilala ang ka pamilya, mahalagang pahalagahan
natin ang bagay na mahalaga sa kanila kahit hindi ito mahalaga para sa atin.
Ito ang common ground na makapagbabalik ng pakiramdam na “safe” mag open dahil
mayroong pinagkaka isahan. Mahalaga ring gumawa ng hakbang at sabihin kung ano
ang gustobg mangyari sa pag sasabi ng totoo.
Ang essay na ito ay naglalayong ibalik ang anak sa ina upang
maging tatay ang tatay at anak ang anak. Inihayag nito ang kahalagahan ng
communication at effort upang maisalba ang natitira.
Sa pagtatapos, dahil kabilang tayo sa isang pamilya, may
responsibilidad tayong manatili at buoin ito. Ito ang solution upang
mapanatiling buo ang pamilyang pilipino sa gitna ng modernisation.
No comments:
Post a Comment